Pet Rabbit

Minsan gusto kong bumili ng rabbit. Kasi pag nakakakita ko neto na pinepet, nakaupo lang sa lap ng may-ari, o kaya naka stay lang. Di gaya ng hamster ko na kapag nilabas sa kulungan, lalakad ng lalakad, hihinto lang kapag iihi o pag may naamoy na pagkain. Mabaho din daw ihi netong rabbit. Lahat naman ata ng ihi ng kahit sinong hayup eh mabaho. haha

Water Gun

Maloko tong babaeng to. Naregaluhan kasi ng water gun. Ayan, kung sinu-sinu na binaril. Nagkalat pa ng tubig sa dept nila. Haha. Guard! Guard!

Grocery Cart

Kakaiba din tong grocery cart na to, di sya de-tulak, de-hatak sya. May gulong na mismo yung ilalim nung basket. Tapos may hawakan syang mahaba parang sa bag ng grade school. Okey naman kasi di sya malaki kumpara sa mga push cart sa ibang grocery store. Saan nga ba to?

Wireless Mouse

Maraming maraming maraming maraming thank you kay Irene para sa mouse na to. Dalawang triple A battery lang kelangan. Ang saya ng wireless mouse! Kahit medyo maliit sa kamay ko to, sobrang astig pa din! YEY

Digicam

Sa wakas! Sa tinagal-tagal kong nabubuhay dito sa mundo, ngayon lang ako nadapuan ng swerte sa raffle. Tumataginting na HP S300 Digital Camera ang nakuha ko. Ginanap pa yung xmas party ng dept namen sa penthouse ng Bayleaf hotel dun sa malapit sa office. Nabunot ako – 1013 ang number ko. wow

Zinger Double Down


Nung unang lumabas yung commercial neto sa tv, halos gabi-gabi ko ng napapanginipan ang Zinger Double Down. Kaya etong natikman ko na… SObrang panalo. haha

Ayala


Eto yung lagi naming nadadaanan kapag pupunta kami ng Banapple para maglunch. Di ko pa to nakikita sa gabi. Siguro maganda.